Kinilala ang mga suspek na sina Ramon Matthew Cruz Mangalile, 21-anyos, estudyante at Cherwen Am-Is Tangaro, 26-anyos, isang welder na pawang mga residente ng Poblacion, Baliuag, Bulacan.
Dinakip ang dalawang suspek ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Bontoc MPS, Sadanga MPS, Mountain Province Police Provincial Office at PDEA-Mountain Province.
Una nang nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na dalawang katao sakay ng bus mula Kalinga patungong Bontoc, Mt. Province ang magbibiyahe ng droga hanggang sa positibong nakumpiskahan ang mga ito ng pitong (7) piraso ng tubular form wrapped in cling-wrap na nakabalot ng masking tape na naglalaman ng dahon ng marijuana at pitong (7) piraso pa ng ziplock bag na naglalaman din ng iligal na droga.
Tumitimbang ito ng 6.095 kilo at nagkakahalaga ng mahigit sa P700,000 habang ilan naman sa mga personal na gamit ang nakuha mula sa pag-iingat ng mga suspek.
Nabatid na bumisita ang dalawa sa Barangay Buscalan, Kalinga bilang local tourist sa pagtatangkang magbiyahe ng marijuana pabalik ng Bulacan.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na ngayon ay nasa kustodiya ng PNP.