Local transmission ng Delta variant sa Pilipinas, kinumpirma na ng DOH

Kinumpirma na ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng local transmission ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Matatandaang inanunsyo ng DOH na nasa 12 ang local cases ng Delta variant, para i-akyat ang kabuoang bilang sa 47.

Sa statement sinabi ng DOH na lumabas sa phylogenetic analysis na isinagawa ng University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at case investigation ng DOH Epidemiology Bureau, ang clusters ng Delta variant cases ay magkakaugnay sa iba pang local cases.


Kailangang ipagpatuloy ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mahigpit na border control at palakasin ang local COVID-19 responses.

“Both the national and local governments have been continuously working together to intensify the implementation of the prevent, detect, isolate, treat, and re-integrate response strategies and increase the country’s health system capacity to be able to manage cases,” sabi ng DOH.

“The country has been implementing travel bans and stringent border control measures to delay the entry of the variant, giving the country a headstart to prepare its capacity to manage potential surges.”

Pagtitiyak ng pamahalaan na patuloy nilang tinataas ang healthcare capacity sa harap ng posibleng surge ng COVID-19 cases.

Ang mga local government units (LGUs) ay hinikayat na pagtibayin pa ang kanilang COVID-19 responses.

Facebook Comments