Posibleng underreported ang mga kaso ng local transmission ng Delta COVID-19 variant sa Pilipinas.
Ayon kay dating National COVID-19 Task Force Adviser Dr. Tony Leachon, posibleng ang 35 kabuuang kaso ng Delta variant sa bansa ay underreported dahil sa malaking kakulangan ng bansa pagdating sa genome sequencing.
Dahil dito, dapat aniyang puntahan ng mga opisyal ng gobyerno ang mga COVID-19 hot spot sa Visayas at Mindanao at gawan ng genome surveillance ang mga nagpositibo para matukoy kung ito ay Chinese-Wuhan strain o Delta variant.
Matatandaang noong nakaraang linggo nang makapagtala ng karagdagang 16 na bagong Delta variant cases sa bansa kung saan 11 dito ang local cases.
Facebook Comments