Wala pang anumang indikasyon na nagkakaroon na ng local transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa bansa.
Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana, ang 12 kaso ng ba.2.12.1 sa Palawan ay malinaw na single cluster lamang habang ang dalawang kaso naman sa Metro Manila ay iniimbestigahan pa.
sa kabila nito, iginiit ni salvana na mas ligtas pa rin ipagpalagay na mayroon na sa mga komunidad na ganitong variant para maging maingat ang publiko.
Kasunod niyan, tiniyak naman ni Salvana sa publiko na hindi na maaaring isailalim sa lockdown ang bansa dahil mataas na ang vaccination rate ng Pilipinas.
Paliwanag niya, napilitang mag-lockdown ang bansa noong 2020 dahil wala pang mga bakuna kontra COVID-19.
Facebook Comments