Local transmission ng Omicron variant sa bansa, may posibilidad na ayon sa DOH

Nagbabala ngayon ang Department of Health sa publiko na mag-ingat lalo na’t malaki ang posibilidad na tumaas pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa Omicron variant.

Kasunod na rin ito ng naitalang panibagong sampung kaso ng Omicron variant sa bansa kung saan tatlo rito ay pawang local cases.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, batay sa imbestigasyon ng epidemiological bureau, ang na-detect na tatlong local cases ay indikasyon na malaki ang posibilidad na mayroon nang local transmission ng Omicron variant sa bansa.


Kaya naman babala ng kalihim sa publiko, huwag balewalain ang mga minimum public health standards, testing, isolation at quarantine protocols upang maiwasan ang pagkahawa sa virus.

Facebook Comments