Manila, Philippines – Buo ang suporta ni Senator Panfilo Ping Lacson sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin na ang usapang pangkapayapaan sa COMMUNIST PARTY of the Philippines – National Democratic Front o CPP-NDF.
Diin ni Lacson, paano ipagpapatuloy ng pamahalaan ang peace talks kapag ang kabilang panig ay hindi naman sinsero.
Ang peace talks sa komunistang grupo ay pinahinto ng Pangulo dahil sa patuloy na pag-atake at paghahasik ng karahasan ng New People’s Army kahit may ongoing peace talks sa liderato ng CPP-NDF.
Bunsod nito ay iginiit ni Lacson na gawing localized form ang level of peace negotiation sa komunistang grupo.
Mas mainam din ayon kay Lacson kung bibigan ng partisipasyon ang local government units sa peace efforts.
Pero kung gagawin ito ay binigyang diin ni Lacson na dapat ay mayroong istriktong patakaran at superbisyon ng national government.