Cauayan City, Isabela- Inilagay pa rin sa ‘localized lockdown’ ang buong Brgy. Bliss Village at ilan pang Purok sa labing apat (14) na barangay sa Lungsod ng Ilagan bunsod pa rin ng patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa lugar.
Batay sa Executive Order No. 48 na inilabas ni City Mayor Jay Diaz, epektibo ang localized lockdown ngayong araw ng Miyerkules, September 08, 2021 hanggang alas 8:00 ng gabi sa September 12,2021.
Sa naturang kautusan, nakasaad dito na mananatili ang curfew hours mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.
Hindi rin inaalis ang liquor ban sa lahat ng mga lugar na naka-localized lockdown.
Ang mga matatanda na may edad 60 pataas, kabataang nasa edad 18 pababa, mga buntis, may sakit ay pinapayuhang manatili sa loob ng tahanan maliban sa emergency, pagbili ng gamot, pagkain at iba pang essential na pangangailangan.
Kaugnay nito, inatasan ng alkalde ang mga barangay officials na striktong ipatupad ang mga alituntunin sa lugar sa panahon na umiiral ang localized lockdown.
Habang sumasailalim sa lockdown ang mga identified areas, magbibigay ng food packs ang LGU sa bawat pamilyang apektado.