Malinaw para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon na ang ipinatupad na shotgun approach sa mga nakalipas na buwan ay walang gaanong nagawa para makontrol ang pagkalat ng COVID -19.
Ayon kay Drilon, napilay lang nito ng husto ang ating ekonomiya at nawalan ng trabaho ang libu-libong mga Pilipino.
Dahil dito, suportado ni Drilon ang mga mungkahi na luwagan ang restriksyon sa Metro Manila at magpatupad ng localized lockdown.
Giit ni Drilon, ang kailangan natin ngayon ay mas rational approach at estratehiya na hindi magdudulot ng dagdag na pinsala sa nagdudugo ng ekonomiya.
Iminungkahi din ni Drilon sa pamahalaan na suportahan ang aktibong hakbang ng mga Local Government Unit (LGUs) para mapigil ang pagkalat ng virus sa kanilang lugar.
Facebook Comments