Inihayag ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government na patuloy na nagiging matagumpay ang Localized Peace Talks sa pagitan ng local government officials at rebeldeng New Peoples Army.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año , dahil sa pagpursige ng mga lokal na opisyal at Local Peace and Order Councils, ilang komunistang rebelde ang naliwanagan ng isip at tinalikuran na ang kanilang paniwala .
Paliwanag ng kalihim na noong Pebrero 25 , may 114 na supporters at militias ng CPP- NPA ang sumuko at nagpahayag ng katapatan sa gobyerno sa isang seremonya sa Bacolod City .
Ang mga dating rebelde ay mga residente ng Barangays Quezon, Guadalupe, Buluangan, Nataban, at Cod-cod.
Una rito, dalawang grupo din ng CPP-NPA mula sa northern negros ang sumuko sa 79IB ng Philippine Army ang nanumpa na magbalikloob na sa gobyerno.
Bukod pa ito sa iba pa na sumuko sa Victorias City at Escalante City .
Dagdag pa ni Año ,inaasahan pa ng DILG na marami pang rebelde ang susuko at sasamantalahin ang programa ng pamahalaan para sa kanila