Lock-out policy, pasado sa ilang kongresista na may mababang attendance noong 16th Congress

Manila, Philippines – Sang-ayon ang ilang mga mambabatas na may mababang bilang ng attendance noong 16th Congress sa bagong patakaran ng Kamara na “lock-out policy”.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon, mistulang elementary man ang polisiya sa paghihigpit sa quorum ng Mababang Kapulungan pero maganda naman ang dulot nito para sa sistema ng nasabing institusyon.

Paliwanag ni Leachon, malaki ang implikasyon nito sa mga kongresista para sa pagpapabuti ng imahe ng Kamara gayundin ang pagkakaroon ng disiplina sa mga mambabatas.


Kung mga gawain naman sa mga distrito ang tatanungin, hindi rin naman ito maaapektuhan dahil hanggang Miyerkules lamang ang sesyon at mula Huwebes hanggang Linggo ay maaari nila gampanan ang tungkulin para sa mga constituents.

Si Leachon ay mayroon lamang na 5 present sa attendance noong 16th Congress pero sang-ayon sa bagong ipinapatupad na polisiya ng liderato ng Kamara.

Wala pa ring bagong inilalabas na attendance ang Kamara para naman sa 1st regular ng 17th Congress.

Facebook Comments