Lockdown sa Baguio??

Baguio, Philippines – Dahil sa banta ng 2019 novel Corona Virus Acute Respiratory Disease o 2019 nCoV ARD ay nangangamba ang ilang mga residente at turista sa pag lock-down ng syudad.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, mayroong “All-Out War” na laban sa banta ng 2019 nCoV kung saan lahat ng sektor ng syudad ay kailangan tutukan ang aksyong pangkalusugan at pangkalinisan ng mga barangay at pagtulong din nito sa mga panganga-ilangan naman ng ilang residente.

Pinabulaan naman ng mayor ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana patungkol sa mandatory lockdown ng lungsod para sa mga turistang at mga bumibisita sa lungsod dahil sa 2019 nCoV.


Ayon sa alkalde na ang ilang mga Goverment-Sponsored Events  kung saan makaka-akit ito ng maraming tao ay ipagliliban na muna sa susunod na tatlong linggo pero lahat ng Business Establishments, Service Providers sa lahat ng Publice Transport Sector ay kailangan naman din sundin at ipatupad ang proper hand and respiratory hygiene at kailangan din na malinis din ang kapaligiran, tulad naman ng pinapa-abiso na din naman ng Department Of Health o DOH para hindi malapitan ng 2019 nCoV.

Dagdag pa nya ang pagbibigay ng mga impormasyon sa pamamagitan ng posters at flyers patungkol naman sa pag-iwas sa naturang sakit na ibibigay naman ng DOH sa ilang mga public utility vehicles o PUV at ilang Business Establisment sa lahat ng entry at exit points.

iDOL, paano ka ba maghanda kontra sa nakamamatay na nCoV?

Tahs: Luzon, Baguio, iDOL, nCoV, Magalong, DOH.

Facebook Comments