Lockdown sa isang lugar sa Brgy. Sucat, Muntinlupa City, inalis na

Kinumpirma ng Local Health Department ng lungsod ng Muntinlupa na inalis na ang Enhanced Localized Community Quarantine (ELCQ) sa Sitio Pagkakaisa, Zone 3 Interior ng Brgy. Sucat.

Ayon kay Muntinlupa City Health Officer Dra. Teresa Tuliao, napaaga ang pag-alis ng total lockdown sa nasabing lugar dahil sa mabilis na pagbuti ng sitwasyon ng COVID-19 sa naturang lugar.

Aniya, bumagal din ang doubling time o ang bilis sa paghawa ng virus sa tao.


Matatandaan, sumailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang nasabing lugar ng Brgy. Sucat noong June 13, 2020 hanggang July 3, 2020 subalit kahapon pa lang ay inalis na.

Ang naturang barangay ay ang ikalawang barangay sa Muntinlupa City na nilagyan ng community quarantine ngayon buwan ng lokal na pamahalaan dahil sa mabilis na pagdami ng infected ng virus.

Sa ipinatupad na General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila, ang mga local government Unit (LGU) nito ay may kapangyarihan mag patupad ng localized community quarantine sa lugar kung saan meron mataas na naitatalang kaso ng COVID-19.

Samantala, mayroon ng 418 na confirmed cases ng COVID-19 ang Muntinlupa City, kung saan 279 ay gumaling at 37 naman ang mga nasawi.

Facebook Comments