Lockdown sa Morning Breeze, Alabang, pinalawig hanggang June 16

Pinalawig pa ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang Extreme Localized Community Quarantine (ELCQ) sa Morning Breeze Homes, Barangay Alabang.

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, ito ay dahil na din sa tumaas pang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa lugar.

Ito rin aniya ay habang hinihintay pa ang mga resulta ng Polymerase Chain Reaction (PCR) tests mula sa 33 probable cases ng nasabing lugar na galing naman sa 131 na mga residente na sumailalim sa rapid testing.


Aprubado rin aniya ito ng Regional Inter-Agency Task Force on Emergency and Infectious Diseases (IATF-EID).

Matatandaang isinailalim sa 72-hour localized lockdown ang Morning Breeze Homes na mayroong 249 families na nakatira malapit sa Laguna de Bay, na nagsimula noong June 3, 2020.

Facebook Comments