LOKAL NA PAMAHALAAN NG DAGUPAN, NAGPAALALA SA LIGTAS NA PAGSALUBONG NG BAGONG TAON

Nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa mga residente nito ukol sa ligtas na pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez, mainam na Gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay sa bagong taon gaya ng torotot, busina ng sasakyan, malakas na tugtog o musika.
Hinihikayat din nito ang mga Dagupeño ma manood na lamang ng fireworks display.

Nagpapaalala din ito sa mga magulang na iwasang gamitin ang mga anak na gumamit ng paputok na maaaring makapinsala sa katawan ng mga bata.
Ipinagbabawal din dito ang paggamit ng boga na delikado at pwedeng sumabog na nakakapinsala sa katawan at mukha.
Sa huli hinikayat nito ang mga residente na imbes magpaputok ay magpaturok ng CoViD-19 vaccine upang maging protektado. |ifmnews
Facebook Comments