KAUNA-UNAHANG DIGITAL JOBS PH GRADUATION CEREMONY SA ILOCOS REGION, ISINAGAWA

Isinagawa sa bayan ng Infanta ang kauna-unahang digitaljobsPH Graduation Ceremony para sa General Virtual Assistant Course sa pangunguna ng Department of Information and Communication Technology (DICT).
Nasa 23 iskolars ang nagsipagtapos kung saan sumailalim ang mga ito sa 96 hours na face-to-face training at 21 days online campaign.
Sa naturang pagsasanay kasama dito ang e-mail marketing, chatbot making, audio-video transcription, graphic designing at video making, customer relationship management, data entry, at marami pang iba.

Nakakuha din ang mga napiling scholar ng kani-kanilang mga kliyente habang nasa 21-day campaign.
Lahat ng 23 iskolar ay kumita na isang criteria upang maging medalist sa nasabing training.
Ang bayan ang kauna-unahang LGU sa buong Region I na may 100% completers at 100% medalists. |ifmnews
Facebook Comments