Lokal na pamahalaan ng lungsod ng Makati, gumawa ng App para mapabilis ang serbisyo nito sa mga residente

Abot-kamay na ng mga residente ng lungsod ng Makati ang mga serbisyo matapos mag lunsad ng Makatizen App ang lokal na pamahalaan nito.

Ayon kay Makati Abby Binay nilikha ito upang mapabilis ang daloy ng komunikasyon sa pagitan ng pamahalaang lungsod at mga residente.

Aniya sa pamamagitan ng nasabing app ay mas mabilis na naiaabot ang serbisyo at agaran ang pagsagot sa mga pangangailangan ng mga residente, bisita o turista, mag-aaral, nagtatrabaho, at mga negosyante sa nasabing lungsod.


Maliba dito anya, kung may sakuna, agad na gamitin ang Makatizen App at pindutin ang SOS.

Maaari ring anya i-report ang mga medical emergency, krimen, aksidente at iba pa.

Facebook Comments