Lokal na pamahalaan ng Makati City, Magsasagawa ng Blood Donation Activity bilang pagdiriwang ng Valentine’s Day

Sa Araw ng mga puso, bukas pebrero katorse, magsasagawa ang magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Makati ng Blood Donation Activity sa isang barangay nito na Barangay South Cembo.

Ang sabing programa ay magsisimula ng alas-otso ng umaga at matatapos ng alas-tres ng hapon na pinangunahan ng Makati Health Department and Ospital ng Makati, at kasama ang Makati Action Center-Community and Patients Relations Unit (MAC-CPRU).

Layunin ng nasabing actibidad na mag karoon ng supesyenteng blood supply ang lungsod ng makati.


Ayon kay Edna Mallari ng MAC-CPRU, maaaring mag donate ng dugo mula 18 years old hanggang 60 years old, kung mayroong mga menor de edad na gustong mag donate ng dugo kailangan may pahintulot ng mga magulan.

Payo niya na gusto mag donate ng kanilang dugo ay dapat may sapat na tulog, hindi uminong ng alak sa nakalipas na walong oras at hindi nanigarelyo sa kalalipas na apat na oras. Siguraduhin anya na malusog o healthy ang pangagatawan.

Facebook Comments