Inihayag ni Makati City Mayor Abby Binay na nagiisip na sila ng paraan upang matutulungan ang mga taga makati na mawawalan ng trabaho matapos magpapatupad ang gobyerno ng lockdown sa buong Luzon dahil sa lumallang kaso ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Alkalde na sangayon hindi pa nila alam kung ano ang klasing tulong ang kanilang maibibigay at kung magkano ang kanilang magiging cash assistance.
Ito ay dahil anya, wala pa silang record ng bilang kung ilan ang mga residente ng makati ang masasama sa displaces employees.
Dahil anya, masayado pang maaga para rito at hindi naman anya ibigsabihin na totally wala ng trabaho sa panahon ng Lockdown.
Pero panawagan niya sa mga taga makati na makipagugnayan sa kanilang tagapan kung sakaling pansamantalang mawalan sila ng trabaho habang umiiral ang lockdown sa buong Luzon.