LOKAL NA PAMAHALAAN NG MANAOAG, NAGHAHANDA NA SA PAGDAGSA NG MGA TAO SA BSKE AT UNDAS

Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Manaoag sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa naturang bayan.
Sa Naging panayam ng IFM Dagupan kay Manaoag Mayor Jeremy Agerico ‘Doc Ming’ Rosario, sinabi nito na nagpulong na sila kasama ang mga concerned agencies kaugnay sa paghahanda sa nalalapit na Barangay and SK Elections at Undas.
Aniya, inaasahang dadagsa ang mga tao dito dahil maliban sa mga laging dumadaan upang makimisa ay mag sisipag uwian din ang mga taga bayan upang makaboto sa Election.

Dagdag pa dito ang mga magbabakasyon dahil sa Undas lalo na mga dumadaan sa bayan na nagpupunta ng Norte.
Nakiusap naman ito sa residente lalo na sa mga kandidato na sikaping gawing malinis at tahimik ang Election. |ifmnews
Facebook Comments