Manila, Philippines – Humihingi ng tulong ng lokal na pamahalaan ng Marawi City sa national government para kontrolin ang sitwasyon kasunod ng paglusob ng Maute Group sa kanilang lugar.
Ayon kay Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra – nananatiling kontrolado ng tropa ng pamahalaan ang Marawi City Hall.
Nagbigay na rin aniya siya ng utos sa mga lider ng barangay na manatili sa kanilang mga bahay at payuhan ang mga residente na umiwas muna sa mga lansangan.
Sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Año – bukod sa Maute, nakasagupa rin ng militar ang grupo na pinamumunuan ni Abu Sayaff Leader Isnilon Hapilon.
Aniya, humingi ng dagdag pwersa si Hapilon mula sa Maute para makatakas ito.
Tiniyak naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon – nagpadala na ng karagdagang pwersa ang AFP sa lugar.
DZXL558