Lokal na pamahalaan ng Marawi, sinisikap na mapangalagaan at mabigyan ng sapat na tulong ang mga bakwit; tent city, sinimulan nang itayo sa Marawi

Marawi City – Sinisikap ngayon ng lokal na pamahalaan ng Marawi City na mapangalagaan at mabigyan ng sapat na tulong ang mga Internally Displaced Person o IDPs.

Sa ngayon ayon kay Marawi City Mayor Majul Gandamra na maayos naman ang kalagayan ng mga IDPs sa ibat-ibang mga evacuation center sa lanao del norte at iligan city pero mas mainam at maganda pa rin umano na makabalik na sila sa kani-kanilang mga tahanan sa marawi.

Kayat, inaasahan ni Gandamra na matatapos na ang patuloy na kagulohan sa kanilang lugar kung saan halos lahat ng residente sa marawi ang na-apektuhan.


Sinabi ng alkalde na ngayon ay unti-unti na nilang tina-trabaho ang isang malaking tent city para sa mga bakwit na sa mismong lugar sa marawi ilalagay.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments