Lokal na pamahalaan ng Marikina, Hindi umanuo mag dedeklara ng Barangay wide quarantine

Inihayag ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na hindi siya magpapatupad ng Barangay wide quarantine matapos ito magkaroon ng limang kaso ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 ang isa sa kanyang mga Barangay.

Aniya, ang limang tao na may covid ay galing Lamag sa isang pamilya, kaya naman anya, ang pamilya Lang ang kanyang isinailalim sa quarantine.

Dahil anya, sa deklarasyon ni Pangulong duterte, magpapatupad Lang ng Barangay Wide Quarantine kung mayroon dalawang kaso ng COVID-19 mula sa magkaibang pamilya sa isang Barangay.


Inamin naman ng alkalde na hindi sapat ang ang kanyang mga pulis, para mag patupad ng Barangay o Municipal wide quarantine, na ito rin ang problema ni Pangulong Duterte.

Kagabi, ideneklara ng Pangulo na sasailalim ang buong Metro Manila sa Community Quarantine matapos Itaas ng Inter-agency task force on emerging infectious diseases o IATF-EID sa Code Red Sublevel 2 ang status ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments