Bilang pagpapakita ng suporta sa 2019 Metro Manila Pride March and Festival, isang bagong ordinansa ang ipapatupad ngayon ng lokal na pamahalaan ng Marikina.
Ito ay ang Anti-Discrimination Ordinance o City Ordinance No. 65 na nagbibigay sa lahat ng pantay at parehong karapatan sa trabaho, edukasyon, tirahan, at mga serbisyo ng pamahalaan.
Nabatid na libo-libong lesbians, gays, bisexuals, transgenders, queers, at iba pang sektor (LGBTQ+) ang nakilahok sa naturang event na ginanap sa Marikina Sports Complex
Sa nasabing ordinansa, bubuo ang lokal na pamahalaan ng marikina ng Anti-Discrimination Council kung saan kabilang dito ang City Mayor at walong key City Officials kasama na dito ang mga representatives ng LGBTQ+.
Ang sinumang lalabag sa ordinansa ay makukulong ng hindi bababa sa 60 araw o hindi lalagpas ng isang taon at magbabayad ng multa ng P1, 000.00 hanggang P5, 000.00 kung saan ang desisyon ay manggagaling sa Korte
Iginiit din ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na walang sinuman sa basehan ng kasarian, pinanggalingan, o ng pananampalataya ang tatanggihan o hindi tatanggapin partikular sa kanilang lungsod.