Lokal na pamahalaan ng Maynila, bumili ng karagdagang gamot bilang panlaban sa COVID-19 

Umaabot na ngayon sa 4,000 vials ng gamot kontra Coronavirus Disease o COVID-19 ang lokal na pamahalaan ng Maynila. 

Ito’y matapos na muling bumili ng karagdagang dalawang libong vials ng Remdesivir ang lokal na pamahalaan para palakasin pa ang kanilang kampanya laban sa COVID-19. 

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, natanggap na ng pamahalaang lungsod ang 1,000 vials at hinihintay na lamang ang pagdating o delivery ng iba pa. 


Ang pagbili ng karagdagang Remdesivir ay ayon na rin sa impormasyon na pinarating sa alkalde ng mga director at city health officials na mabisa ang naturang gamot sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19. 

Sinabi pa ni Mayor Isko na kung nalulunasan ng Remdisivir ang COVID-19 ay nasa tamang direksiyon ang health system ng Maynila upang matulungan ang nakararami na gumaling o maka-survive sa nasabing karamdaman. 

Umaapela rin ang alkalde sa mga hospital director na palawigin ang pagtulong sa iba pang ospital lalo na sa mga pribadong pagamutan at national government hospital kung kailangan nila ng Remdesivir vials. 

Facebook Comments