Lokal na pamahalaan ng Maynila, sisimulan na ang pagbibigay ng 2nd booster ng COVID-19 vaccine

Sisimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagtuturok ng 2nd booster ng COVID-19 vaccine sa general population.

Partikular sa edad 18-anyos pataas matapos na pumayag ang Department of Health (DOH) pero limitado lamang sa tatlong brand ng bakuna ang ituturok.

Ito ay ang AstraZeneca, Moderna at Pfizer kung saan ikinakasa ng Manila Health Department (MHD) ang pagbabakuna sa mga health center sa lungsod ng Maynila.


Magsisimula ang pagbabakuna ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Sa abiso naman ng lokal na pamahalaan ng Maynila, kakailanganin ang anim na adult para sa isang vial ng Pfizer vaccine upang maiwasan na masayang ang nasabing bakuna.

Ang mga sasalang naman sa 2nd booster shot ng bakuna kontra COVID-19 ay pinapayuhan na dalhin ang mga vaccination card o IDs upang maging maayos at mabilis ang proseso ng pagbabakuna.

Facebook Comments