Live-fire exercise, isinagawa ng PA At U.S. Army Pacific sa Capas, Tarlac

Nagsagawa ng platoon live-fire exercise ang Philippine Army (PA) at US Army Pacific sa Camp Ernesto Rabina Air Base, Capas, Tarlac bilang bahagi ng 38th Balikatan Exercises 2023.

Kalahok dito ang mga tropa ng 99th Infantry Battalion, 7th Infantry Division at 51st Engineer Brigade ng Phil. Army at tatlong platoon ng mga Amerikanong sundalo.

Kabilang sa mga pagsasanay ang artillery preparatory fires, helicopter air assault, aerial gunnery, obstacle breaching, knockout bunker, at room clearing.


Habang mamayang hapon naman isasagawa ng Phil. Army, Phil. Marine Corps at 25th Infantry Division ng U.S. Army ang live-firing ng javelin anti-tank weapon system sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija.

Ang lecture at simulation exercise sa paggamit ng Javelin ay isinagawa sa nakalipas na Salaknib exercise at ang aktual na pag-fire ng anim na missile ay gagawin mamaya sa Balikatan exercise.

Facebook Comments