Lokal na pamahalaan ng Maynila, sisimulan na ang pagtatayo ng hospital sa loob ng Baseco Compound

Sisimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagtatayo ng pampublikong hospital sa loob ng Baseco Compound sa Port Area, Manila.

Ang nasabing President Corazon Aquino General Hospital na sa katabi lamang ng Benigno Aquino Elementary School ay kumpleto sa amenities tulad ng pribadong hospital.

Ilan sa mga ito ay ang 24/7 fully operational emergency room na may community inclusive outpatient department at maternity ward.


Mayroon din itong 50 bed capacity, pharmacy, laboratory and central diagnotics, pediatric wards, isolation wards, elevators, radiology department at iba pa.

Nabatid na ang pagtatayo ng nasabing 3-storey hospital ay upang magkaroon ng disenteng hospital at hindi na lumayo pa ang mga residente sa Baseco Compound lalo na’t nasa halos 60,000 ang bilang ng mga indibidwal na nakatira dito.

Bago ang pagpapasinaya sa itatayong hospital, binisita muna ng ilang opsiyal ng Manila-Local Government Unit (LGU) ang mga residenteng naapektuhan ng sunog noong nakaraang linggo.

Facebook Comments