Lokal na Pamahalaan ng Muntinlupa City, bumuo na ng COVID-19 Task Force

Kasado na ang mga hakbang laban sa Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 ng Lokal na Pamahalaan ng Muntinlupa City, matapos itong bumuo ng Task Force na tututok lamang para sa nasabing virus.

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, ang COVID-19 Task Force ng kanyang lungsod ay ang magpapatupad ng mga pro-active measure upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa kanyang lugar.

Ito rin ang mangunguna sa pagpapatupad ng mga protocol at guidelines na ibinababa ng Department of Heath o DOH kauganay na COVID-19.


Sa pamamagitan nito, mas mabibigyan ng focus ang pagtugon ng pamahalaan ng Muntinlupa kontra COVID-19.

Sa ngayon, wala pang naitatalang kaso ng COVID-19 ang Muntinlupa City, pero aniya, mas mainam na nakahanda na sila upang walang maapektuhan o kung mayroon man maaga itong maagapan.

Facebook Comments