Inihayag ngayon ng lokal na pamahalaan ng muntinlupa na walang kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus sa kanilang lungsod.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng muntinlupa, itinuturing nilang fake news ang kumakalat sa social media kung saan isa umanong chinese national ang nagpa-check up sa isang clinic saka nagpa-second opinion sa kilalang hospital at dito na daw nagpositibo sa 2019 ncov.
Naging usap-usapan ito hindi lamang sa social media maging sa mga malls, kainan at ilang pasyalan sa Muntinlupa.
Pero iginiit ng muntinlupa city health office na walang nakuhang ganitong record sa mga clinic at ospital sa lungsod na kanilang minomonitor.
Hinihimok din ng city health office ang publiko na huwag basta-badta maniwala sa naglalabasang ulat sa social media at huwag na din ipakalat pa ang maling impormasyon hinggil sa naturang sakit.
Nanawagan din ang lokal na pamahalaan sa publiko na maging mapagbantay at ugaliin ang proper hygiene gsyundin ang pagpapatuloy ng healthy lifestyle para palakadin ang immune system para hindi magkaroon ng sakit.