Sa ika-apat na pagkakataon muling kinilala ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ng Department of Health o DOH sa kanilang Gawad Jose Rizal Award.
Sinabi ng pamunuan ng DOH, binigyan nila ng pagkilala ang Local Government ng Muntinlupa dahil sa programa nitong blood donation program.
Batay sa datos ng DOH, noong nakaraang taon nakapagbigay ang Muntinlupa ng 2,000 bags ng dugo dahil sa programa na Dugong Bayani 2019: “Dugong Alay, Ligtas Na Buhay”.
Natanggap din ng Muntinlupa ang Gawad Bayanihan Award dahil noong 2019 ang nasabing lokal na pamahalaan ang may pinakamataas blood unit collection sa lahat ng Local Government Units o LGUs ng Metro Manila.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Alkalde ng Muntinlupa sa mga residente nito dahil sa patuloy na pagtangkilik at supporta sa kanilang blood donation program.