PUIs, halos 600 na

43

Umabot na sa 597 ang bilang ng mga naitalang patient under investigation o PUIs ng Department of Health (DOH) kaugnay ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Gayunman, batay sa datos ng DOH, 455 na sa mga ito ang nakalabas na ng ospital.


Habang umakyat naman sa 139 ang naka-admit sa mga pagamutan.

Hindi naman nadagdagan at nananatiling nasa 3 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang dalawa rito ay gumaling na at ang isa naman ay namatay dahil sa severe pneumonia.

Facebook Comments