Lokal na pamahalaan ng Parañaque, target ang mas maraming hired on the spot ngayong araw

Target ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City ang mas maraming hired on the spot o HOTS ngayong Araw Ng Paggawa.

Dinaluhan ng maraming aplikante ang Mega Job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE), katuwang ang Radyo trabaho ng RMN DZXL 558 sa lungsod ng Parañaque ngayong araw na layon na mabigyan ng opurtunidad ang bawat Pilipino na nais magkaroon ng maayos na trabaho.

Mayroong 38 employer at 1540 job vacancies ang nagaabang para sa mga Job seekers na magpupunta ngayong araw.


Sa panayam ng RMN DZXL 558 kay Rebecca Estrella, ang administrative assistant ng PESO Parañaque magandang umpisa umano ito para sa lahat, dahil nakikita nila na marami ang nagkakainteres na magkaroon ng trabaho ngayong taon.

Samantala, welcome rin sa naturang job fair ang mga Senior citizen at PWD’s at asahan na walang diskriminasyon pagdating sa paghahanapnng trabaho, magtatagal hanggang alas-5:00 ng hapon.

Facebook Comments