Lokal na pamahalaan ng Pasig, naglabas na ng panuntunan para sa nalalapit na Undas

Naglabas na rin ng anunsyo ang lungsod ng Pasig na isasara ang kanilang mga pampubliko at pribadong memorial parks, sementeryo at kolumbaryo mula October 29 hanggang November 4, 2020.

Ito ay alinsunod sa Resolution No. 72 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kaugnay sa pagdiriwang ng Undas ngayong taon.

Nakasaad dito na bukas ang mga pampubliko at pribadong memorial parks, sementeryo at kolumbaryo nito mula October 26-28, 2020 at November 5-7, 2020 upang mabigyan ng pagkakataon ang bawat Pasigueño na dumalaw sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.


Papayagang makapasok ang mga hindi taga-Pasig sa mga araw na hindi nakatalaga para sa mga Pasigueño bago o matapos ang October 26 at November 7.

Kailangan lamang magdala ng proof of residence tulad ng ID o barangay certificate para makapasok sa mga sementeryo ng lungsod.

Walang age restriction ang pagbisita sa mga nasabing lugar ngunit kailangan pa rin masunod ang minimum health standards tulad ng pagsuot ng face mask at face shield.

Facebook Comments