Bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Makati, pumalo na sa higit 6,300

32

Sumampa na sa 6,375 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Makati matapos itong madagdagan ng 29 sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa datos ng Makati Health Department, nadagdagan din ng 40 ang bilang ng mga gumaling sa naturang sakit kaya umakyat na sa 5,234 ang kabuuang bilang. Pumalo naman na sa 226 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus, matapos makapagtala ng isang nasawi kahapon.

Dahil dito, bumaba sa 915 ang active cases ng lungsod mula sa 927 active cases kahapon.

Pakiusap naman ni Makati Mayor Abby Binay na manatili sa loob ng bahay at huwag munang lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan upang maging ligtas laban sa banta ng nasabing sakit.

Facebook Comments