Lokal na Pamahalaan ng Pateros, aminadong marami sa kanilang residente ang nagdadalawang-isip na magpabakuna

Aminado ang Lokal na Pamahalaan ng Pateros na may ilang residente nila ang nagdadalawang-isip na magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Pateros Mayor Miguel Ponce III, bagamat nasa higit 40,000 na ang nais magpabakuna, may ilan pa rin na nais makita muna na epektibo at walang anumang side effects ang bakuna kontra COVID-19.

Bukod dito, hindi pa matiyak kung itutuloy pa ng Pateros LGU ang pagbili ng bakuna kontra COVID-19 sa kanilang mga residente.


Ito’y dahil sa posibleng sumapat na sa kanilang populasyon ang unang batch ng bakuna na ipamamahagi ng National Government at ng mga pribadong kumpaniya.

Nabatid na 80,000 ang bilang ng mga residente sa Pateros at base sa ginawa nilang pre-registration kakaunti pa lamang din ang nagpapalista na nais magpabakuna.

Facebook Comments