Lokal na pamahalaan ng Pateros, nahihirapang kumbinsihin ang mga residente na magpabakuna laban sa COVID-19

Aminado ang lokal na pamahalaan ng Pateros na nahihirapan silang kumbinsihin ang mga residente na magpabakuna kontra COVID-19 dahil sa pamimili ng brand na gusto nila.

Ayon kay Pateros Mayor Miguel Ponce, bago pa man maglabas ng direktiba ang Department of the Interior and the Local Government (DILG) sa Local Government Units (LGU) na huwag nang banggitin ang brand ng bakuna ay problema na nila ang isyu sa vaccine hesitancy.

Sa katunayan umano, may pagkakataon aniya na marami ang dumarating sa inoculation site kapag ang mas pinapaborang brand ng bakuna ang itinuturok.


Paliwanag ni Ponce na sa ngayon ay nasa 13 percent pa lamang ng target population ang nababakunahan sa munisipyo.

Bukod sa na-administer na mahigit isang libong doses ng Pfizer vaccine, may suplay rin ng Sinovac at AstraZeneca ang LGU.

Facebook Comments