Lokal na pamahalaan ng South Cotabato magbibigay P200, 000.00 na pabuya sa makapagtuturo ng suspek sa pagpatay sa isang Punong barangay ng Koronadal City.

Magbibigay ng pabuya ang lokal na pamahalaan ng South Cotabato ng mahigit P200,000 sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa mga suspek na pumatay kay Kapitan Baltazar Bermil ng Barangay Topland Koronadal City.
Ayon kay South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes ang nasabing reward ay upang mapabilis ang pag-aresto sa mga suspek at malaman kung anong grupo ang responsable sa pagpatay sa punong barangay.
Matatandaang binaril ng riding in tandem si Bermil sakay sa minamanehong barangay patrol vehicle noong nakaraang linggo sa Purok Garcia, barangay Rotonda, Koronadal City.
Nabatid na una ng inutos ng gobernadora kay Police Sr. Supt. Franklin Alvero Police Provincial Director ng South Cotabato na bumuo ng special investigating team na mag-imbestiga sa pagpatay kag kapitan Bermil.
Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga kapolisan sa lalawigan sa nasabing insidente.

Virus-free. www.avast.com <#DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments