Kasabay ng pagdiriwang ng World Heart Month ngayong buwan, naglunsad ang lokal na pamahalaan ng Taguig ng programa na tutugon para sa may mga sakit sa puso.
Ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano, tinawag nila itong “Bida Ka Sa Puso ako Sevice”.
Layunin anya ito para matiyak na may maaasyos na kondisyon ng puso ang mga taga-Taguig at para maiparating sa mga residente ang importansya nito.
Dahil dito anya, nagsagawa sila ng isang lecture para sa mga matatanda ng Taguig kaugnay sa hypertension, heart disease at tamang nutrisyon.
Kasabay din nito nagsagawa rin libreng ECG consultation kung saan mayroon mga 105 na na nag pakunsulta na nasa 40-anyos ang na diagnose ng Hypertension, diabetes, obesity, at heart disease.
Dagdag pa ng akalde na ang ECG exam ay iikot sa lahat ng Barangay ng Taguig City.