LOKAL NA PAMAHALAAN NG URBIZTONDO, LILIMITAHAN ANG MGA SASAKYANG DADAAN SA IMELDA BRIDGE

Naglabas ng abiso ang lokal na pamahalaan ng Urbiztondo kaugnay sa isang tulay sa kanilang bayan, ito ay matapos ang nangyaring pagbagsak sa portion ng Carlos. P Romulo Bridge sa Bayambang.
Tinukoy ng LGU ang Imelda Bridge na dinadaanan ng mga sasakyan mula sa kanilang bayan patungo sa bayan ng Mangatarem.
Ayon sa Mayor Modesto Operania ang alkalde ng bayan, may kahinaan na ang nabanggit na tulay kung kaya’t nasa limang tonelada lamang ang kabuuang bigat ng mga sasakyan dito ang maaaring dumaan.

Dagdag pa rito, pinapayuhan ang mga malalaking sasakyang higit pa sa limang tonelada ang bigat na iwasan ang pagdaan sa Imelda Bridge para na rin sa kaligtasan ng lahat.
Ayon sa awtoridad, overloading ang naging sanhi ng pagguho ng tulay sa bayan ng Bayambang dahil umabot sa limampung tonelada ang kabuuang bigat ng dalawang truck na dumaan bago ang pagbagsak ng bahagi nito. |ifmnews
Facebook Comments