MGA MAGSASAKA NG GULAY SA BAYAN NG TAYUG, NABENEPISYUHAN NG LGU TAYUG

Nabenepisyuhan ng lokal na pamahalaan ng Tayug ang mga magsasaka ng gulay o maggugulay sa bayan para sa kanilang paghahanap-buhay.
Sa tulong na ito, tinanggap ng mga magsasaka o ang grupo ng Kapisanan ng mga Maggugulay ng bayan ang kumpletong liquid fertilizers, iba’t ibang klase ng vegetables seeds at organic supplements.
Inatasan ng Alkalde ng bayan na si Tyrone Agabas ang Municipal Agriculturist upang dagdagan pa ang tulong mula sa LGU upang mas lalong mapalakas at magpatibay ang paghahanap-buhay ng mga residenteng benepisyaryo.

Samantala, layunin ng programang ito upang mapanatili ang pagpapatupad ng food security sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments