Lokal na produksyon ng karneng baboy sa Pilipinas, tataas na sa 2022

Tataas na sa 2022 ang lokal na produksyon ng karneng baboy sa Pilipinas.

Sa kabila ito ng nagpapatuloy na epekto ng African Swine Fever (ASF) at kakulangan ng bakuna kontra COVID-19.

Batay sa ulat ng US Department of Agriculture-Foreign Agricultural Service (USDA-FAS), madadagdagan pa ng 25,000 metric tons ang produksyon ng karneng baboy.


Dahil dito, aabot na sa 1.025 million metric tons ang produksyon nito sa bansa, mas mataas sa naitala ngayong taon na 1 milyong metric tons lamang.

Nitong Setyemre, naitala rin ang record-hign ng frozen pork inventory sa mga cold storage facilities.

Facebook Comments