Wednesday, January 21, 2026

Lokal na produksyon ng manok, bumaba ng halos 40 porsyento

Nabawasan ng halos 30 hanggang 40 percent ang lokal na produksiyon ng manok dahil sa patuloy na pag-angkat mula sa ibang bansa.

Ayon kay United Broiler Raisers Association (UBRA) President Atty. Bong Inciong, malaki ang naging epekto ng pag-angkat ng manok sa mga family farms na tumigil na sa negosyo dahil hindi na kaya ang gastusin.

Paliwanag ni Inciong, sakaling magpatuloy ang pag-aangkat, maraming family farms pa ang mawawala at malalaking korporasyon at foreign companies na lamang ang tanging matitira sa bansa.

Facebook Comments