Natukoy na ng mga otoridad ang lokasyon ng black box ng Sriwijaya Air Boeing 737-500 na nag-crash sa Java Sea sa Indonesia noong Sabado, Enero 9, 2021.
Ayon kay Indonesia’s Transport Safety Agency Chief Soerjanto Tjahjono, sisimulan na ng mga diver ang pagkuha sa black box para matukoy ang totoong dahilan sa pag-crash ng nasabing eroplano.
Sa ngayon, tanging mga parte ng katawan, mga damit at pira-pirasong debris na pinaniniwalaang galing sa eroplano ang nakuha ng search and rescue team.
Facebook Comments