Lola, Isang Daang Taong Gulang Ngayon!

Alicia, Isabela- Ipinagdiriwang ng isang lola ang ika-isang daang taon ng kanyang kaarawan ngayong araw.

Batay sa eksklusibong panayam ng RMN News Cauayan sa kapamilya ni lola Maria Agustin ipinanganak siya noong May 25,1918, may anim na anak, kung saan apat dito ay mga lalaki at dalawang babae.

May kapatid pa umano si lola Maria na lalaki sa Ilocos at nasa 97 taong gulang . Naging sekreto umano ng lola ang pagkain ng maraming gulay at isda kung kayat umabot sa isang siglo ang edad ng naturang lola.


Hinihiling ngayon ng mga kamag-anak ni lola Maria na humaba pa ang kanyang buhay dahil sa taglay niyang sobrang kabaitan at pagmamahal lalo na sa kanyang mga apo.

Kasama ni lola Maria Agustin ang isang anak na babae at mga apo na tumitingin at nag-aalaga dahil sa sakit sa tuhod na hindi narin nakakalakad at nakaupo na lamang sa kanyang wheelchair.

Si lola ay hindi narin gaanong nakakarinig kung kaya’t inuulit o tinataasan na lamang ang boses upang makausap parin siya at hindi rin gaanong makakita dahil sa karamdaman sa mata .

Ayon sa apo ni lola Maria na si Leonida Agustin Alejo , magkakaroon ng isang malaking handaan sa barangay hall ng San Pablo at imbitado ang lahat ng opisyal sa barangay maging mga kamag-anak, kapit bahay, mga kaibigan at buong kabarangay. Inaasahan din ang isang surpresa mula sa mga kamag-anak ni lola na nasa ibang bansa para sa kayang kaarawan.

Samantala si lola Maria ng Alicia ay mabibigyan ng benipisyo na isang daang libong piso mula sa pamahalaang lokal dahil sa naabot nito ang isang siglo.

Facebook Comments