Lola na Positibo sa COVID-19, Namatay

26

Cauayan City, Isabela- Nasawi ang isang lola na COVID-19 positive habang ito ay nasa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Ang nasawi ay binansagang si CV 3954, 62 taong gulang ng Zone 1, Baculud, Amulung.


Siya ay dinala sa CVMC noong December 2 matapos makaranas ng kahirapan sa paghinga.

Isinailalim siya sa swab test at nagpositibo sa COVID-19.

Inaalam pa sa ngayon ang sanhi ng pagkamatay nito.

Samantala, umaabot na sa 109 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao City.




Sa datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), isang bagong nagpositibo sa virus ang naidagdag sa mga pasyente na mula sa bayan ng Iguig.

Ang buong Lalawigan naman ng Cagayan ay mayroon nang 152 active cases ng COVID-19; 109 sa Tuguegarao City na may pinakamaraming kaso, sumunod ang bayan ng Solana na may 17, Baggao (7), Iguig (6), Peñablanca (3), Gattaran (2) at tig-isang (1) kaso sa bawat bayan ng Alcala, Amulung, Enrile, Lal-lo, Rizal, Sto. Niño, Sta. Teresita at Tuao.

Facebook Comments