Lola na suspek sa pagnanakaw ng cellphone, sumuko na pero pinatay pa rin ng 5 Ormoc police

Tacloban, Philippines – Sibak sa trabaho at nahaharap pa sa patong-patong na kaso ang limang pulis na nakatalaga sa Ormoc City Police Station 1 sa Tacloban.

Kasunod ito ng insidente ng illegal detention at pagpatay sa isang lola na suspek sa pagnanakaw ng cellphone.

Kasong murder at arbitrary complaint ang kinahaharap nina Ormoc City Police Chief Insp. Omar Cartalla, PO3 Eleazar Tero, PO2 Ernie Clemencio, PO1 Ritchie Sy at PO1 Ryan Refuerzon.


August 6 nang mahuling nagnanakaw ng cellphone sa isang tindahan ang 60-anyos na si Lorna Soza.

Hindi naman siya kinasuhan ng store owner matapos na humingi ng tawad at binayaran ang ninakaw na cellphone sa halagang P10, 300.

Ala-una nang madaling araw ng August 11 nang palayain si Soza at isinakay sa police mobile.

Kinabukasan ay natagpuan na lang ang bangkay ng biktima sa national highway ng Barangay Naghalin sa Kananga na may tama ng bala ng baril ang mukha at nakabalot pa ng packaging tape.

Ni-relieve na sa pwesto ang limang pulis na ngayon ay nasa restrictive custody ng Eastern Visayas Police Regional Office.

Facebook Comments