Lola na tindera sa umaga at night club DJ sa gabi, sikat na sikat sa Japan

Manila, Philippines – Sikat na sikat ngayon ang isang 82-anyos na lola sa Japan matapos nitong patunayan na hindi hadlang ang edad para masabing siya ay “young at heart.”

Si Sumiko Iwamuro na isang Gyoza o dumplings vendor at Chinese restaurant owner ay kilala rin ngayon bilang isa sa mga pinaka-in demand na night club DJ sa Tokyo.

Ayon kay Iwamuro, natuklasan niya ang kanyang hilig sa techno-music, labindalawang taon na ang nakalilipas sa birthday party ng kanyang anak na may temang night-club.


Simula noon, gumawa na rin siya ng kanyang sariling DJ tracks na may kombinasyon ng techno-music at jazz.

Namana raw niya ang hilig sa musika sa kanyang ama na isa namang jazz drummer.

Facebook Comments