Pacquiao – hindi nagpatinag sa banta ng coach ni Australian boxer Jeff Horn

Manila, Philippines – Hindi nagpatinag sa banta ng coach ng Australian boxer na si Jeff Horn si Pinoy Champ Manny Pacquiao.

Una rito, sinabi ni Glenn Rushton na dapat paghandaan ni Pacquiao ang mga suntok ni Horn na mas matindi pa aniya sa suntok ni Mexican boxer Juan Manuel Marquez.

Ayon naman sa Pambansang Kamao, kahit 38-anyos na ay may ibubuga pa rin siya sa boksing.


Sa ngayon, wala pa umano siyang napapanood na laban ni Horn pero tututukan niya ang tatlong huling laban ng Australian boxer.

Sa July 2 gaganapin ang bakbakang Pacquiao-Horn sa Brisbane, Australia.
DZXL558

Facebook Comments