Lola na Wanted sa Kasong Pagnanakaw, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng otoridad ang 73 anyos na lola na itinuturing na Top 6 Most Wanted Municipal level matapos maaresto ganap na alas 8:00 kaninang umaga sa Brgy. San Rafael East, Sta. Maria, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Norma Gamboa, may-asawa at residente ng Brgy. Nueva Era, San Manuel, Isabela.

Si Gamboa ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Rogelio S. Anapi, ng 1st MCTC, San Pablo- Sta Maria, Isabela dahil sa kasong Theft.


Nasa halagang P8,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Tags; 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, luzon, Brgy. San Rafael East, Sta. Maria, Isabela, Norma Gamboa, Rogelio S. Anapi, ng 1st MCTC, San Pablo- Sta Maria, Isabela, pnp sta maria

Facebook Comments