Lola na yoga master – kilalanin

50

India – Isang 98-year old na lola ang binansagang yoga master ng India dahil sa kakaibang husay nito sa pagbe-bend ng kanyang katawan.

Sa kabila ng edad, hindi mo makikitaan ng hirap ang yoga instructor na si V Nanammal sa tuwing nagsasagawa siya ng iba’t ibang yoga poses na kung susumahin ay mga kabataan na lang ang nakagagawa.

Walong taong gulang pa lang daw siya nang magsimula siyang magyoga dahil na rin sa impluwensiya ng kaniyang ama na isang martial artist noon.

Sa kasalukuyan, abala pa rin si V Nanammal sa araw-araw na pagtuturo sa yoga class sa halos 100 estudyante na layong makapag-promote ng healthy lifestyle.

DZXL558

Facebook Comments